"Mahirap Magpanggap"
CTTO: from Pinterest (Picture)
"Mahirap Magpanggap"
ni: Jonila Obrique
Mahirap magpanggap, alam mo ba?
Na ang ngiti’y peke, wala sa diwa.
Ang mata’y tila puno ng saya,
Ngunit ang kaluluwa’y nilamon ng luha.
Sa bawat salita, may bigat na dala,
Mga lihim na nais sanang ibuga.
Ngunit natatakot, baka husgahan,
Kaya’t nanatiling tahimik sa kawalan.
Mahirap magpanggap na maligaya,
Kapag ang puso’y wasak na tila’y wala.
Ang mundo’y makulay sa paningin nila,
Ngunit sa akin, ito’y isang dilim lang pala.
Hanggang kailan magtatago sa maskara?
Hanggang kailan ang pagod dadalhin ng kusa?
Kung mahulog man ang tabing sa harap nila,
Sino kaya ang magtatangkang umunawa?
Kaya’t sana, sa araw ng pagbagsak,
May kamay na aabot, magbibigay-lakas.
Dahil mahirap magpanggap, totoo nga,
Ngunit mas mahirap ang mag-isa.

omg ang gandaaa
ReplyDeleterelate talaga ako sa tulang ito
DeleteHala nag relate ko
ReplyDeleterelate na relate
ReplyDeleteaigooo, gwenchanayoo
ReplyDeleteNaka relate din ako
ReplyDeletemahirap talaga itago yan
ReplyDeleteMahirap man ito , dapat nating bigyan ng pansin para tayo'y tuluyang maging masaya sa kahit anong bagay , para umunlad tayo sa pagpapanggap .
ReplyDeleteBAKIT K KAC NAGPAPANGGAP
ReplyDeletejokez
Delete