"Sa likod ng mga ngiti"

             "Sa likod ng mga ngiti"

                        ni: Blessie Mae Heralla 


     CTTO: from Pinterest (Picture)



Sa likod ng mga ngiti,

May nakatagong pighati , 

Tinakpan  ng masayang maskara, ang mukhang puno ng hirap at kalungkutan 


Sa bawat tawa at halakhak , hindi niyo alam kung ano ang nasa likod ng kanyang mga tawa,

Pero minsan ang hirap magpanggap na masaya,

Dahil minsan hirap tiisin ang mga problema. 


Sa bawat patak ng mga luha, umaasang sana ay  panaginip lang 

Pero kahit paano, hindi matatago ang totoo,

Na sa kabila ng lahat, palagi pa ring talo

Sa likod ng  mga ngiti, may pagnanais na sana ay  mapansin,

Na sa kabila ng lahat, ay lumalaban at umaasang may pag-asa pa 


Kaya hindi lahat ng ngiti  ay masaya,

minsan tinatakpan  ang mga sakit para hindi  mahalata,

Kaya sa bawat mga ngiti hindi natin alam na may mga kwento sa buhay na nakatago.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

"Mapagmahal na Anak"

"Masayang Pagpapaalam"