"Masayang Pagpapaalam"


       Credits to the owner of the picture"Un/Happy for you

 

 Masayang Pagpapaalam
         ni: Jewel Bajo 


 

Sa bawat paglalakbay may dulo rin,

Bagong yugto’y lagi nating salubungin.

Hindi man magkasama sa susunod na landas,

Alaala’y mananatili’t di magwawakas.


Salamat sa saya at mga aral,

Sa hirap at ginhawa’y ating sinalasal.

Kahit magkalayo’y damdamin ay buo,

Kaibigan, sa puso'y di magbabago.


Sa bagong layunin, ikaw ay sisikat,

Tagumpay ay tiyak, bawat hakbang ay tapat.

Kami’y narito, laging umaalalay,

Kahit saan ka man, lagi kang tagumpay.


Masayang pagpapaalam ang aming alay,

Pasasalamat at hangaring tunay.

Hanggang sa muli, sa tamang panahon,

Puso’y magtatagpo sa tamis ng hamon.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

"Sa likod ng mga ngiti"

"Mapagmahal na Anak"