"Mahirap Magpanggap"

               CTTO: from Pinterest (Picture)                 


    "Mahirap Magpanggap"

              ni: Jonila Obrique


Mahirap magpanggap, alam mo ba?

Na ang ngiti’y peke, wala sa diwa.

Ang mata’y tila puno ng saya,

Ngunit ang kaluluwa’y nilamon ng luha.


Sa bawat salita, may bigat na dala,

Mga lihim na nais sanang ibuga.

Ngunit natatakot, baka husgahan,

Kaya’t nanatiling tahimik sa kawalan.


Mahirap magpanggap na maligaya,

Kapag ang puso’y wasak na tila’y wala.

Ang mundo’y makulay sa paningin nila,

Ngunit sa akin, ito’y isang dilim lang pala.


Hanggang kailan magtatago sa maskara?

Hanggang kailan ang pagod dadalhin ng kusa?

Kung mahulog man ang tabing sa harap nila,

Sino kaya ang magtatangkang umunawa?


Kaya’t sana, sa araw ng pagbagsak,

May kamay na aabot, magbibigay-lakas.

Dahil mahirap magpanggap, totoo nga,

Ngunit mas mahirap ang mag-isa.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

"Sa likod ng mga ngiti"

"Mapagmahal na Anak"

"Masayang Pagpapaalam"