"Ilaw bakit ka Pumanaw"
Ilaw bakit ka Pumanaw
ni: Kate Bacarisas
Di inasahang gawin ang tulang ito
Para sa kamatayan ng mahal ko
Pangyayaring di inaasahang darating
Pagkawala ng inang di na nagising
Masakit na ang unang tulang gawa ko
Ay patungkol lamang sa pagkawala mo
Di inaasahan pagka't ito'y biglaan
ikay nawala na parang isang buwan
Kahapon ay kausap lang naman kita
Bakit ngayon ay nasa kabaong kana
Tila nagugunaw na ang aking mundo
Nang malalaman ikaw ay naglaho
Mula nang ito ay aking napagtanto
Na si Ina lamang ang nagtaguyod nito
Nawala lamang sa amin ng isang iglap
At sumasabay sa lahat ng mga ulap
Babaeng nais mabuhay ng matagal
kinuha ng Maykapal at di tinagal
"Dito ka sa piling ko at mamahinga"
Ang mundong ibabaw ay lisanin mona
Masakit sakin ang iyong pagkawala
Pilit magpatuloy at magtitiwala
Nais ko sana na ikaw ay magbalik
Para madama ko parin ang yung halik.

Ang lungkot pala ng iyong pinagdaanan
ReplyDeletebat ang sakit?:<<
ReplyDeleteKase nawalan siya ng kanyang mahal sa buhay,buti kapa may buhay pa ang iyong mga magulang ipagpatuloy mo yan kaibigan
DeleteAng sakit naman
ReplyDeleteMasakit talaga yan kaibigan
DeleteSakit naman
ReplyDeleteAng sakit pag nawalan ng minamahal, relate :<
ReplyDeleteOo nga sobrang sakit,kase wala kanang masabihan sa iyong mga masakit na naramdaman
DeleteIt's breaking my heart 💔💔💔
ReplyDeleteOuchhh sakit naman ng iyong pinagdaanan
ReplyDeleteOo nga, swerte niyo buhay pa ang inyong mga ina,subalit siya wala na
DeleteAnsakit naman yan
ReplyDeleteOo nga masakit talaga,ganyan talaga ang buhay kaibigan ☹️
Deleteang sakit💔💔💔
ReplyDeletekaya talaga mahal na mahal ko ang ina ko
ReplyDeleteTama yan ang ginawa mo kaibigan,para hindi ka magsisi sa huli
DeleteAng sakit talaga kapag ang iyong ina na ang mawawala
ReplyDelete