"Ilaw bakit ka Pumanaw"


              CTTO: from Pinterest (Picture)


                Ilaw bakit ka Pumanaw

                   ni: Kate Bacarisas


Di inasahang gawin ang tulang ito

Para sa kamatayan ng mahal ko

Pangyayaring di inaasahang darating

Pagkawala ng inang di na nagising



Masakit na ang unang tulang gawa ko

Ay patungkol lamang sa pagkawala mo

Di inaasahan pagka't ito'y biglaan

ikay nawala na parang isang buwan 



Kahapon ay kausap lang naman kita

Bakit ngayon ay nasa kabaong kana

Tila nagugunaw na ang aking mundo

Nang malalaman ikaw ay naglaho



Mula nang ito ay aking napagtanto

Na si Ina lamang ang nagtaguyod nito

Nawala lamang sa amin ng isang iglap

At sumasabay sa lahat ng mga ulap




Babaeng nais mabuhay ng matagal

kinuha ng Maykapal at di tinagal

"Dito ka sa piling ko at mamahinga"

Ang mundong ibabaw ay lisanin mona


Masakit sakin ang iyong pagkawala

Pilit magpatuloy at magtitiwala

Nais ko sana na ikaw ay magbalik

Para madama ko parin ang yung halik.

Comments

  1. Ang lungkot pala ng iyong pinagdaanan

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. Kase nawalan siya ng kanyang mahal sa buhay,buti kapa may buhay pa ang iyong mga magulang ipagpatuloy mo yan kaibigan

      Delete
  3. Ang sakit pag nawalan ng minamahal, relate :<

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga sobrang sakit,kase wala kanang masabihan sa iyong mga masakit na naramdaman

      Delete
  4. Ouchhh sakit naman ng iyong pinagdaanan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga, swerte niyo buhay pa ang inyong mga ina,subalit siya wala na

      Delete
  5. Replies
    1. Oo nga masakit talaga,ganyan talaga ang buhay kaibigan ☹️

      Delete
  6. kaya talaga mahal na mahal ko ang ina ko

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama yan ang ginawa mo kaibigan,para hindi ka magsisi sa huli

      Delete
  7. Ang sakit talaga kapag ang iyong ina na ang mawawala

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

"Sa likod ng mga ngiti"

"Mapagmahal na Anak"

"Masayang Pagpapaalam"