"Sa likod ng mga ngiti"
ni: Blessie Mae Heralla
May nakatagong pighati ,
Tinakpan ng masayang maskara, ang mukhang puno ng hirap at kalungkutan
Sa bawat tawa at halakhak , hindi niyo alam kung ano ang nasa likod ng kanyang mga tawa,
Pero minsan ang hirap magpanggap na masaya,
Dahil minsan hirap tiisin ang mga problema.
Sa bawat patak ng mga luha, umaasang sana ay panaginip lang
Pero kahit paano, hindi matatago ang totoo,
Na sa kabila ng lahat, palagi pa ring talo
Sa likod ng mga ngiti, may pagnanais na sana ay mapansin,
Na sa kabila ng lahat, ay lumalaban at umaasang may pag-asa pa
Kaya hindi lahat ng ngiti ay masaya,
minsan tinatakpan ang mga sakit para hindi mahalata,
Kaya sa bawat mga ngiti hindi natin alam na may mga kwento sa buhay na nakatago.

Ganda
ReplyDeleteGanyan talaga ang buhay
ReplyDeleteCheer upp!
ReplyDeleteYou're right, Hindi lahat ng nakangiti ay masaya
ReplyDeleteCheer up sa iyo
ReplyDeletelaban lang brad
ReplyDeleteDapat rin na hindi natin tiisin ang ating kalungkutan dapat natin itong gawan ng paraan para sumaya.
ReplyDeleteouch😞😞
ReplyDeletesakit naman
ReplyDeleteGanyan din Ako🥲
ReplyDelete