Posts

"Masayang Pagpapaalam"

Image
       Credits to the owner of the picture"Un/Happy for you    Masayang Pagpapaalam          ni: Jewel Bajo     Sa bawat paglalakbay may dulo rin, Bagong yugto’y lagi nating salubungin. Hindi man magkasama sa susunod na landas, Alaala’y mananatili’t di magwawakas. Salamat sa saya at mga aral, Sa hirap at ginhawa’y ating sinalasal. Kahit magkalayo’y damdamin ay buo, Kaibigan, sa puso'y di magbabago. Sa bagong layunin, ikaw ay sisikat, Tagumpay ay tiyak, bawat hakbang ay tapat. Kami’y narito, laging umaalalay, Kahit saan ka man, lagi kang tagumpay. Masayang pagpapaalam ang aming alay, Pasasalamat at hangaring tunay. Hanggang sa muli, sa tamang panahon, Puso’y magtatagpo sa tamis ng hamon.

"Lihim na Damdamin"

Image
                  Credits to the owner of the picture: "Mark Alpas"                      Lihim na Damdamin ni: Mark Alpas May mga katanungan Na nasa aking isipan, Ang tanong kung hanggang kailan? Hanggang kailan kita pagmamasdan? Ako kaya'y may mapapala? Kung hanggang ngayon wala akong ginagawa. Punong puno ng pag asa, Ngunit pag kaharap, natutulala. Kontento nakong pagmasdan ka sa malayo, Ako'y mananahimik at damdami'y itatago. Lalakas din ang loob pagdating ng panahon, Aaminin ang lahat sa tamang pagkakataon.

"Ilaw bakit ka Pumanaw"

Image
              CTTO: from Pinterest (Picture)                 Ilaw bakit ka Pumanaw                    ni: Kate Bacarisas Di inasahang gawin ang tulang ito Para sa kamatayan ng mahal ko Pangyayaring di inaasahang darating Pagkawala ng inang di na nagising Masakit na ang unang tulang gawa ko Ay patungkol lamang sa pagkawala mo Di inaasahan pagka't ito'y biglaan ikay nawala na parang isang buwan  Kahapon ay kausap lang naman kita Bakit ngayon ay nasa kabaong kana Tila nagugunaw na ang aking mundo Nang malalaman ikaw ay naglaho Mula nang ito ay aking napagtanto Na si Ina lamang ang nagtaguyod nito Nawala lamang sa amin ng isang iglap At sumasabay sa lahat ng mga ulap Babaeng nais mabuhay ng matagal kinuha ng Maykapal at di tinagal "Dito ka sa piling ko at mamahinga" Ang mundong ibabaw ay lisanin mona Masakit sakin ang iyong pagkawala Pilit magpatuloy at magtitiwa...

"Gusto ako noon , Gusto ko siya ngayon"

Image
 "Gusto ako noon , Gusto ko siya ngayon"             ni:Mary Grace Mag-aso    CTTO: from Pinterest (Picture) Isa, dalawa, tatlo, apat , lima hanggang sampo mga daliri ni isa diko nahawakan at mga mukha'y dima kwento-kwento. Di alam kong anong sasabihin sa ,bakit niya ako gusto? sa panahong hindi ko pa sya gusto. Bakit ngayon ko lang ito napagtanto na gusto ko din pala sya sa ngayong alam ko na dina niya ako gusto. Paano ko ba sisimulan ito? San ? saan nga ba ako tatakto? Gusto ko siya i-chat, tawagan , para sa ganun bumalik ang dating  salitanang  "Gusto niya Ako" .   Araw-araw nakatulala namimiss ang dating ginagawa naglalakad, kumakain,binibigyan ng love letters, kinakantahan sa tuwing nakikitang nakasimangot .Ito ba'y tinatawag na ang manhid manhid ko noong una? Alam ko na ang tanga-tanga ko diko nakikita ang kanyang ginagawa na diko makitakita sa iba.  Pinapanalangin ko nalang sa panginoo. Na sana'y mamulat a...

"Sa likod ng mga ngiti"

Image
             "Sa likod ng mga ngiti"                         ni: Blessie Mae Heralla       CTTO: from Pinterest (Picture) Sa likod ng mga ngiti, May nakatagong pighati ,  Tinakpan  ng masayang maskara, ang mukhang puno ng hirap at kalungkutan  Sa bawat tawa at halakhak , hindi niyo alam kung ano ang nasa likod ng kanyang mga tawa, Pero minsan ang hirap magpanggap na masaya, Dahil minsan hirap tiisin ang mga problema.  Sa bawat patak ng mga luha, umaasang sana ay  panaginip lang  Pero kahit paano, hindi matatago ang totoo, Na sa kabila ng lahat, palagi pa ring talo Sa likod ng  mga ngiti, may pagnanais na sana ay  mapansin, Na sa kabila ng lahat, ay lumalaban at umaasang may pag-asa pa  Kaya hindi lahat ng ngiti  ay masaya, minsan tinatakpan  ang mga sakit para hindi  mahalata, Kaya sa bawat mga ngiti hindi natin al...

"Mahirap Magpanggap"

Image
               CTTO: from Pinterest (Picture)                      "Mahirap Magpanggap"               ni: Jonila Obrique Mahirap magpanggap, alam mo ba? Na ang ngiti’y peke, wala sa diwa. Ang mata’y tila puno ng saya, Ngunit ang kaluluwa’y nilamon ng luha. Sa bawat salita, may bigat na dala, Mga lihim na nais sanang ibuga. Ngunit natatakot, baka husgahan, Kaya’t nanatiling tahimik sa kawalan. Mahirap magpanggap na maligaya, Kapag ang puso’y wasak na tila’y wala. Ang mundo’y makulay sa paningin nila, Ngunit sa akin, ito’y isang dilim lang pala. Hanggang kailan magtatago sa maskara? Hanggang kailan ang pagod dadalhin ng kusa? Kung mahulog man ang tabing sa harap nila, Sino kaya ang magtatangkang umunawa? Kaya’t sana, sa araw ng pagbagsak, May kamay na aabot, magbibigay-lakas. Dahil mahirap magpanggap, totoo nga, Ngunit mas mahirap ang mag-isa.

"Mapagmahal na Anak"

Image
        CTTO: from Pinterest (Picture)                "Mapagmahal na Anak"                   ni:Ellen Grace Lantaco  " Anak" ang salitang pinaka matamis na narinig natin sa ating mga magulang .Ikaw ba ay may magulang pa? Kung mayroon man dapat mong alagaan at pahalagahan. Ang kantang "Anak" ito ay Isang napakaganda para sa akin. Ito ay may magandang mensahe para sa ating mga kabataan dahil kadalasan ngayon ito ang ginagawa sa bagong henerasyon. Sa pangkalahatan,pakiramdam ko ay nasangkapan ako Hindi lamang sa kantang ito kundi pati na rin sa buhay ko.Para sa akin ,ito nag pahubog sa'kin sa pagiging mapagmahal at responsabling anak . Noong una,nangingibabaw sa akin na dapat na makuha ang aking gusto kahit Hindi gusto sa mga magulang ko ngunit may naranasan akong negatibo na ikakasira sa buhay ko ,tulad sumuway sa kanila at Hindi pinapakinggan ang mga payo para sa akin ,ilang bese...